After ng nangyari sa kanila… MARCO, KUMANTANG INIWAN ANG ANAK NI GOMA
- BULGAR

- Feb 4, 2019
- 2 min read

MATAPANG na inamin ng former Pinoy Big Brother 7 Teen housemate na si Marco Gallo na nagkaroon sila ng relasyon ni Juliana Gomez, anak nina Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez bago pa siya nagdesisyon na iwan ang ‘Pinas at magpaka-model sa Italy.
Sa kanyang guesting sa programang Tonight with Boy Abunda last February 1 (Friday), sinabi ng 18-year old Filipino-Italian actor kung bakit nagdesisyon sila ni Juliana na tapusin na ang kanilang inumpisahang relasyon.
Sa nasabing late-night talk show, ipinakita sa isang bahagi ng programa ang ilang kasamahan ni Marco sa PBB na nagtanong sa kanya sa pamamagitan ng video clip.
Isa sa mga nagtanong ay ang PBB 7 Big Winner na si Maymay Entrata. “May nililigawan ba siya ngayon?” tanong nito.
Sagot ni Marco, “Wala po. Focused on my work now.
“Kung sakali ma-fall ako ulit and then...”
Pinutol ni Boy ang sasabihin ni Marco at inusisa ito, “Ma-fall ka ulit... Kanino ka na-fall dati?”
Sagot ng ex-PBB housemate, “Dami... dami.”
Nang tanungin kung sinu-sino, nabanggit na nga ni Marco ang pangalan ni Juliana.
Pahayag niya, “Siguro, maybe Juliana, ganu’n. Parang there was something between us and then I left.
“Siguro, it was just not the right time. I just prefer... we both… to be friends.”
Tinanong din ni Boy si Marco tungkol sa pagdalaw niya sa bahay nina Juliana at kung sinagot ba siya nito.
Nag-aalangang tugon ni Marco, “Ah... no, we were just mutual... MU [mutual understanding], parang ganu’n.”
Inulit ni Boy ang tanong tungkol sa sinabi ni Marco na may namagitan sa kanila: “So, naging official ba kayo ni Juliana?”
Dito na umamin si Marco sa totoong naging estado ng relasyon nila ni Juliana.
“Yes... parang ganu’n,” mabilis at diretsong sagot niya.
Maririnig naman ang hiyawan sa audience na tila nagulat sa sagot ni Marco.
Ang pag-alis ba ni Marco sa Pilipinas ang dahilan kung bakit sila naghiwalay? Nagkaroon ba sila ng formal breakup?
Saad ni Marco, “Yeah, it was parang we preferred to be matured and not fight over it.
“Kasi there’s bigger stuff going on at that time, na we both said that, ‘Siguro, it’s not the time.’
“We like each other, pero we’re still be friends and now, we still talk, parang ganu’n.”
Nagkakausap pa ba sila?
Ayon kay Marco, “Uhmmm... minsan naman po, opo. The last time was not recent, it was starting January [2019], parang ganu’n.”
May balak ba siyang ligawan ulit si Juliana?
“Kapag ginusto ng damdamin ko, bakit hindi?” sagot niya.
Ano ang sinasabi ng damdamin niya ngayon?
“Na kaibigan ko lang siya... opo.”




Comments