top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

4 suspek sa pagpatay sa kapitana sa QC, arestado

Vyne Reyes
Feb 4, 2019
2 min read

APAT na mga suspek sa pagpatay kay Criselle Beltran, ang kapitana ng Bgy. Silangan sa Quezon City na kumakandidatong kongresista, ang nadakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD).

Kinilala ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director General Guillermo Eleazar ang mga suspek na sina Teofilo Formanes, 48, market inspector sa Commonwealth Market; magkakapatid na sina Ruel Juab, 38, delivery boy; Orlando Juab, 32, tinder, at Joppy Juab, 28, isa ring vendor.

Patuloy namang tinutugis ang dalawa pang suspek na sina Warren Juab at Dutchboy Bello.

Unang nadakip si Formanes sa inilunsad na follow-up operation ng Criminal Investigation and Detection Group ng QCPD noong umaga ng Pebrero 1 sa likod ng palengke ng Commonwealth.

Isang testigo ang nagturo kay Formanes na sangkot umano sa krimen batay sa inilabas na facial composite illustration.

Nagtangka pa umanong manlaban ni Formanes at bumunot ng baril ngunit, napigilan ito ng pulisya.

Nasamsam mula sa kanya ang isang kalibre .9mm na may 9 na bala, isang motorsiklo, cellphone at tatlong handheld radios.

Itinuro naman ni Formanes ang kanyang mga kasapakat sa krimen na naging dahilan ng pagkakadakip sa magkakapatid na Juab.

Nakuha mula sa tatlo ang kalibre .9mm pistol na may 12 bala, home-made caliber .38 revolver na may mga bala, isang hand grenade, isang magnum caliber .22 revolver at apat na cellular phones.

Habang inaaresto ang magkakapatid, dinakip din ang tatlong iba pa na nakilalang sina Miguel Juab, 26; Mangmang Rasia, 26, at Boy Fernandez, 52, dahil sa obstruction of justice nang tangkaing harangin ang pagdakip ng pulisya.

Nahaharap na ang mga suspek sa kasong murder, frustrated murder na may kaugnayan sa RA 7610, attempted murder at illegal possession of firearms kaugnay sa Omnibus Election Code.

May dagdag na kasong unlawful possession of explosives, direct assault, resistance at disobedience to an agent of person in authority laban kina Joppy at Ruel Juab.

Una nang tinambangan si Beltran noong umaga ng Enero 30 habang sakay ng Ford Everest nito. Napatay si Beltran, gayundin ang kanyang drayber ng si Melchor Salita.

Patuloy pa ring inaalam ng QCPD ang motibo sa pamamaslang.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page