top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Takot sa bakuna | TIGDAS, LUMALA

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 3, 2019
  • 1 min read

PATULOY ang pagtaas ng bilang ng mga batang may tigdas ang dinadala sa San Lazaro Hospital sa Maynila.

Sa tala ng nasabing pagamutan, umabot sa 1,249 ang kaso ng tigdas noong Enero at 47 sa mga ito ay tatlong taon pababa.

Sa pahayag ni San Lanzaro Hospital Spokesman Dr. Ferdinand de Guzman, apat sa kanilang mga pasyente ang namatay dahil sa kumplikasyon ng pneumonia.

Ipinaliwanag pa ng opisyal na tumaas ang bilang ng mga batang may tigdas dahil sa takot ng ilang mga magulang na bigyan ng bakuna ang kanilang mga anak.

Iginiit ni De Guzman na ligtas sa mga bata ang mga bakuna laban sa tigdas na available sa mga health center sa bansa. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page