NLEX, DINALE ANG BOLTS


PAHIRAPANG sinagasaan ng NLEX Road Warriors ang 87-83 panalo laban sa Meralco Bolts sa PBA Philippine Cup sa Ynares Center, Antipolo.
Kumayod si Poy Erram ng 12 points, 8 rebounds, 7 assists at 5 blocks upang akbayan ang Road Warriors na sikwatin ang 2-game winning streak at ilista ang 2-3 karta.
Humugot ng puwersa ang NLEX sa 4th quarter upang ipalasap sa Bolts ang pangatlong talo sa 5 laro. Dikitan ang banatan sa unang dalawang periods, lamang lang ng 3 puntos ang Meralco, 37-34. Nagpatuloy ang mainitang bakbakan sa 3rd at nasa unahan pa rin ang Bolts, 64-61 papasok ng 4th. Namuno sa opensa para sa Bolts si Jared Dillinger matapos kumana ng 16 markers at 6 rebounds.
Samantala, sisimulan ng Magnolia at Alaska ang kampanya ngayong conference pagharap nila sa magkahiwalay na katunggali. Unang salang ng Hotshots at Aces sa hardcourt makakaharap nila ang TNT sa 6:45 p.m. at Rain or Shine sa 4:30 p.m.
Para kay Magnolia head coach Chito Victolero, nakahanda sila pero kahit paano ay iniisip pa rin nila na medyo matagal silang napahinga sa aktuwal na laban sapul nang magkampeon sa Governor’s Cup. May bagong miyembro ang Hotshots, ito’y si rookie Michael Calisaan mula sa San Sebastian College.
“We’re okay, concerned lang namin ang rhythm, timing and conditioning as this is our first game in over a month,” saad ni Victolero. “But I think we’re ready. Importante ang mindset.” Hawak ng KaTropa ang 2-3 card habang may 3-1 karta ang E-Painters.
Samantala, tinambakan ng Ginebra Gin Kings ang Columbian Dyip sa bisa ng 97-85 iskor. Bumida sa laro si Greg Slaughter sa 22 puntos. (ATD)





Comments