top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Lolo, 7 pa kulong sa droga

Maeng Santos
Feb 3, 2019
1 min read

WALONG hinihinalang sangkot sa iligal na droga kabilang ang isang lolo ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation at pagpapatupad ng search warrant sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas Poklay, alas-12:15 ng hatinggabi nang maaresto ng mga pulis sina Melchor Tejuco, 62, at John Jay Joaquin, 40, matapos magbenta ng isang pack ng shabu na nagkakahalaga ng P200 kay PO2 Alvin Olpindo na nagpanggap na poseur-buyer sa I. De Guzman St.

Tatlong plastic sachets ng hindi pa matukoy na halaga ng shabu at buy-bust money ang narekober sa kanila.

Nauna rito, alas-11:10 ng gabi nang ihain ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PCI Jowilouie Bilario ang search warrant na inisyu ni Valenzuela City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Maria Nana Santos ng Branch 171 sa bahay ni Llanie Sigales sa Bgy. Gen. T. De Leon.

Inisyu ng korte ang search warrant matapos magawang makapasok ni PO1 Diana Rose Soriano sa bahay nito at makabili ng shabu at makuhanan ng video sa pamamagitan ng surveillance camera ang nagaganap na pot session.

Arestado sina Sigales, 40; Rheally Liquigan, 38; Jay Sigales, 42; Joseph Hernandez, 26; Adrian Imperio, 41, at Crisanta Gangay, 46, habang nagpa-pot session.

Narekober ng pulisya kay Sigales ang isang coin purse na naglalaman ng siyam na plastic sachets ng shabu, ilang bukas na plastic sachets na may bahid ng shabu at ilang drug paraphernalias.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page