LGUs, lingguhang magli-linis ng Manila Bay— DILG

INAATASAN na ang mga lokal na opisyal na lingguhang maglinis sa Manila Bay para makatulong sa rehabilitasyon nito.
Sa ipinalabas na memorandum ng Department of Interior and Local Government (DILG), inoobliga nito ang mga local government unit (LGU) na magsagawa ng lingguhang cleaning operations.
Ani DILG Undersecretary Epimaco Densing, mayroon silang monitoring system para masigurong nagtatrabaho ang mga opisyal.
Ipinunto ng opisyal na ang mga informal settler ang responsable sa 80 hanggang 85 porsiyento ng polusyon sa Manila Bay.
Kailangan aniya na tiyakin ng LGUs na hindi na lolobo pa ang mga informal settler upang hindi dumami ang mga basura.
Ibinabala pa ni Densing na mahaharap sa kasong kriminal ang mga opisyal ng barangay na hinahayaang dumami ang mga pamilyang informal settler sa Manila Bay.





Comments