DJANGO, NANGUNA SA PAG-ATAKE SA ONE POCKET NG DERBY CITY
- Eddie M. Paez, Jr
- Feb 3, 2019
- 1 min read

PINANGUNAHAN ni Francisco “Django” Bustamante ang atake ng mga bilyaristang Pinoy sa One Pocket event ng ginaganap na 2019 Derby City Classic (DCC) nang makopo ng mga ito ang apat sa unang limang puwesto sa sagupaang nilahukan ng 410 manlalaro at nasasaksihan sa palaruan ng Horseshoe Casino sa Elizabeth, Indiana.
Ito rin ang naging daan upang mahablot na ni Bustamante ang liderato habang umakyat rin sa pang-apat na puwesto si Dennis “Robocop” Orcullo sa bakbakan para sa 2019 DCC Master of the Table.
Kasama sa mga winalis ng alamat mula sa Tarlac na si Bustamante tungo sa korona ng One Pocket ay ang Amerikanong si Corey Deuel, dating world champion Alex “The Lion” Pagulayan, Orcullo, German pride Thorsten Hohmann, Justin Bergman (USA), Danny Smith (USA), Yu Hsuan Cheng (Taiwan), world 9-ball king Joshua Filler (Germany), David Ciancanelli (USA), Chris McDaniel (USA), Jeremy Brown (USA), Randy Jordan (USA), Richie Richeson (USA) at Chad Munson (USA).





Comments