top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Dagdag-checkpoint para sa seguridad ng bayan

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 3, 2019
1 min read

KAPANSIN-PANSIN ang nagkalat na checkpoint, halos lahat ng kanto ay may nakabantay na mga pulis.

Ayos na ito kesa may mga nahuhuling natutulog o nag-iinuman sa presinto.

Gayunman, nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na walang banta ng terror attack, partikular sa Metro Manila.

Ang ipinatutupad na heightened alert at dagdag-checkpoint ay bahagi pa rin ng paghahanda sa halalan.

Bagama’t, nagimbal tayo sa magkakasunod na pagsabog sa Mindanao, wala umanong dapat ikatakot ang publiko.

Tuloy lang ang pamamasyal o pagbiyahe dahil naka-monitor ang kapulisan sa mga mall, terminal at iba pang matataong lugar.

Gayunman, higit na makatutulong kung tayo rin ay magiging mapagmatyag.

Bantayan natin ang paligid, sakaling may kahina-hinalang tao o bagay, agad itong ipagbigay-alam sa mga awtoridad.

Kumbaga, hindi kakayanin ng kapulisan kung sila lang ang magbabantay sa ating kaligtasan, kailangan nating makiisa.

Sana, hindi na maulit ang nangyari sa cathedral sa Jolo, Sulu kung saan higit 20 ang namatay at mahigit 100 ang nasugatan.

Sa Simbahan o kahit saanmang lugar, hindi dapat magkaroon ng pagkakataon ang karahasan.

Marami pang problema ang bayan, huwag nang sabayan.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page