2019 JAPAN CUP SA MMTC
- Green Lantern
- Feb 3, 2019
- 2 min read

MAGHAHARAP ngayon ang mga local at imported na mananakbo sa 2019 “Japan Cup” sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) sa Malvar,Batangas.
Ang mga kalahok ay mga imported na kabayo na entry ni horse owner Atty. Narciso O. Morales, na couple entry na Summer Romance at Sooner Times at Pride of Laguna ng E.A Santos Stable kontra local horse na Lakan na entry ng M.V.Tirona Stable, Son Also Rises ni Benhur Abalos, Eugene Onegin ni EV.M Diokno Stable at Hiway One ng Cool Summer Farm.
May P500,000 na premyo sa unang apat na makatatawid sa finish line. Tatanggap ng P300,000 ang magkakampeon at mag-uuwi ang 2nd placer ng P112,500, may P62,500 ang 3rd placer at P25,000 ang 4th na sponsor ang Philracom.
Magkakaalaman kung sino ang magaling na mananakbo na pinapaboran ang entry ni Atty.Morales laban sa Pride Of Laguna, Lakan at Son Also Rises. Aalagwa rin ang Philracom Rating Based Handicap System Race sa 10 races sa MMTCI.
Sa race 1, napipili si Willing Willie at Amelia na panimula ng 1st. WTA, susundan ng 1st. Pick 6 sa Race 2 at pinapaboran ang Tontoneeto at Siquijor. Para sa bayang karerista ang Baisakhi sa Race 3 na simula ng 2nd. WTA, at pagpipilian ang Son Also Rises at Lakan sa grupo ang mga Local ay Entry No.1 at pride of Laguna sa imported na mananakbong kalahok sa Race 4 na simula ng 1st.Pick 5.
Pagpipilian ang Good Son Carlo, Umbrella Girl at Boundary sa Race 5 na panimula ng 3rd.WTA, at Couple Entry No.1 at Persian Princess sa Race 6, at binibigyan ng malaking panalo ang Can You Giub sa Race 7 ng 2nd.Pick 5.
Tip Ni Mang Ding Race 1- Wiling Willie (7) Amelia (4) Race 2- Tontoneeto (2) Siquijor (6) Race 3- Son Also Rises (4) Entry No.1 Lakan 2 Race 5- Good Son Carlo(1) Umbrella Girl (3) Boundary (7) Race 6- Entry No. 1 Persian Princess(2) Beastmode(6) Race 7- Can You Guib(3) Entry No.6 Race 8- Lemon Drop Title(6) Entry No.4 Spunk Attack (2) Race 9- Hello Junior (10) Entry No.4 Race 10- Entry No. 2 Entry No,.9 Race 11- WooLooMooLoo(3) Trust Me(8) Yes All Wee Bet (10).




Comments