Umiwas sa checkpoint, rider utas sa pulis

ISANG rider ang napatay ng kapulisan matapos makipagbarilan sa Pres. J.P. Laurel Highway, Bgy. Pob. Malvar, Batangas.
Ala-1:50 ng madaling-araw, nagsasagawa ng Comelec checkpoint ang pinagsanib na puwersa ng HPG-Batangas at Malvar-Batangas-MPS.
Namataan nila ang pagdating ng motorsiklo lulan ang suspek na si Richard Pilapil, 40, ng Antipolo, Rizal.
Kanila itong pinatitigil ngunit, sa halip na huminto ay agad umanong bumunot ng baril saka nagpaputok sa kanila at tumakas.
Doon na nagkaroon ng habulan hanggang sa gumanti ng putok ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.
Narekober sa kanya ang motorsiklong walang plaka at baril nitong ginamit.





Comments