top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Tiyakin ang kaligtasan ng mga journalist na magko-cover sa eleksiyon, plis!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2019
  • 1 min read

ILANG tulog na lang ay talagang in full swing na ang election period dahil magsisimula nang mangam­panya ang mga kandidato for national position.

And we all know naman na kapag eleksiyon, may mga pagbabanta ng kaguluhan sa iba’t ibang lugar. May pagbabanta sa buhay ng mga kandidato at kani­lang pamilya. Pero ang mas masaklap, nalalagay din sa peligro ang buhay ng mga mamamahayag na siyang naghahatid ng mga balita, hindi fake news, ha?

Kaya nanawagan tayo sa mga pulis at sundalo na kung maaari lang ay tiyakin sana nila ang kaligtasan ng journalists na siyang magko-cover ng mga kaganapan tungkol sa eleksiyon. Dapat mabigyan ng seguridad at matiyak ng kapulisan na ligtas ang mga mamamahayag na nasa frontline ng halalan.

Higit sa lahat, ‘yung mga nasa lalawigan na tinukoy na mga election hotspot, dapat doble-proteksiyon ang ibigay sa mga kaibigan nating journalist. Ayaw nating maulit ‘yung nangyaring Maguindanao massacre.

Nakatatakot ang bumatikos sa mga personalidad, lalo na sa mga tiwaling pulitiko. Politicians are now doubly sensitive about their image and would go extraordinary lengths to protect it, ‘yung iba, ha? Hindi naman natin nilalahat. Aminin nating talagang may mga “nadedemonyo” dahil sa personal na interes.

Kaya sa ating mga friend din sa media, maging alisto at doble-ingat para maging ligtas ngayong halalan.

We recognize the difficulty of preventing attempts at silencing critical media people kaya we call on our Armed Forces and the PNP na bantayan nila nang walang humpay ang mga election hotspot.

We must have a peaceful election, and keeping the press safe and secured is one of our major concerns, ‘di ba?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page