top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Suicide bombers daw ang dumale sa Jolo, Mindanao malapit nang mag-ala-Syria?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 2, 2019
1 min read

NAG-WITHDRAW na sa pagka-senador si Atty. Harry Roque, Jr.

Trese na lang ang kandidato ni Inday Sara.

Sino kaya ang manghuhudas?

◘◘◘

IKINATWIRAN ni Roque na hindi siya makakapangampanya sapagkat na-diagnosed siya na may sakit sa puso.

Kasi naman palagi siyang in-a- "harry”!

◘◘◘

DUMAMI raw ang paksiyon ng Abu Sayyaf.

Ngayon lang ba ninyo nalaman?

◘◘◘

SUICIDE bombers daw ang nagpasabog sa Jolo, Sulu.

Kung gayun, malapit nang maging Syria ang Mindanao?

◘◘◘

NILINAW ni NCRPO Director General Guillermo Eleazar na walang katotohanan ang tsismis sa social media na may magpapasabog sa mga mall.

Dapat i-firing squad ang nagkakalat ng tsismis!

◘◘◘

KAPAG pinaniwalaan ang tsismis, malulugi ang mga mall.

Kapag nalugi ang mga mall, babagsak ang ekonomiya!

◘◘◘

PATULOY na nagbabantay ang mga parak sa matataong lugar.

‘Yan ay “SOP” na sa Metro Manila!

◘◘◘

MAHIHIRAPAN makalusot sa Metro Manila ang mga terorista lalo pa at bawat mall ay mayroong mga pulis na nagbabantay.

Mula sa mga adik, ang terorista ang binabantayan ngayon ng mga parak!

◘◘◘

DOBLE-KAYOD at hindi natutulog si General Eleazar sa pag-iikot sa Metro Manila.

Delikado ang mga parak na natutulog lang sa mga presinto baka maabutan sila ni Heneral Eleazar!

◘◘◘

SA aktuwal, sa Mindanao lang talaga may gulo.

Pero, sa Visayas at Luzon, walang ganyang panganib!

◘◘◘

DAPAT mabuhay nang normal ang mga taga-Metro Manila.

Mahalaga ang ginagampanan papel ng mga pulis sa pagpapanatili ng kapayapaan!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page