Sekyu tinepok ng riding-in-tandem
- Pabs Hernandez III
- Feb 2, 2019
- 1 min read
COTABATO CITY—Isang security guard ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Parang Road sa lungsod na ito.
Ang biktima ay kinilalang si Robert Ebo, nakatira sa Bgy. Macabiso, Sultan Mastura, Maguindanao.
Nabatid na habang minamaneho ni Ebo ang kanyang motorsiklo at angkas ang kanyang asawa nang sumulpot ang dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril ang biktima.
Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments