top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Napagkamalang asset, dayo tinodas

mylene alfonso
Feb 2, 2019
1 min read

PATAY ang isang lalaking dayo sa lugar, kahapon ng madaling-araw sa Baseco Compound, Port Area, Manila.

Inilarawan ni PO3 Marlon San Pedro, ang biktima na nasa edad 35-38, naka-gray na t-shirt; gray jogging pants at nasa 5’7” ang taas.

Batay sa imbestigasyon, alas-3:00 ng madaling-araw nang mangyari ang insidente malapit sa Ninoy Aquino Elementary School sa Blk.15A, Baseco Compound, Port Area.

Hinalang napagkamalang asset ng pulis ang napatay na biktima dahil hindi umano ito kilala sa lugar.

Patuloy namang inaalam ang pagkakakilanlan ng gunman na tumakas matapos ang insidente.

Dinala ang bangkay ng biktima sa Archangel funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page