MILKY WAY, PANDEHADO LAKAN TAKHAN PATOK SA RACE 3
- Green Lantern
- Feb 2, 2019
- 1 min read

MAGANDANG karera ang inihanda ng Metro Manila Turf Club Inc.(NMTCI) ngayon araw araw sa pag-alagwa ng Additional One Win in group Races na may papremyong P120,000 sa mga mananalong kabayo sa Malvar, Batangas.
Kasabay nito aalagwa ang pentafecta sa Race 1 na may dalang carry-over na P58,105. na paglalabanan ng 9 siyam na kalahok at simula ng Winner- Take-All event. Pinapaboran ang Lucky Julliane at makakatunggali ng Milky Way,Artikulo Uno at Sta.Monica One sa nabanggit na karera. Napipisil naman ng bayang karerista ang kalahok na Garantisado sa Race 2 kasabay ng Pick 6 at magsisilbing kalaban ang Low Key.
Ipinapatok ang Lakan Takhan at makakalaban ang Barayong at Will To Win sa Race 3 kasabay ng Pick 5 event. Mahigpit na maglalaban ang Liliput, Jade Treasure at Ranagant sa Race 4 na panimula ng Pick 4.
Sa Race 5, ipinapatok ang Change The World, habang makatutunggali ang Batang Heroes, Kusing at Crystal Creek. Maglalaban ang kalahok na I Object, Sir Rik,at My Way sa Race 6 at magsisilbing parating sa Race 7 ang Senor Lucas para sa WTA, Pick 6, Pick 5 at Pick 4 event.
Tip ni Mang Ding Race 1- Lucky Julliene (2) Entry No.1 Race 2- Garantisado (7) Low Key (2) Race 3- Lakan Takhan (1) Race 4- Liliput(1) Ranagant (2) Jade’s Treasure(5) Race 5- Change The World (1) Kusing (6) Race 6- I Object (5) Sir Rik (3) My Way(2) Race 7- Senor Lucas (3) St.Suswa (6)





Comments