Kelot tinodas sa beach resort
Pabs Hernandez III
Feb 2, 2019
1 min read
DAVAO DEL SUR—Isang lalaki ang namatay nang barilin ng hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa beach resort sa Bgy. Aplaya, Digos City sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Lord Niel Mirafuentes, residente ng nabanggit na lalawigan.
Ayon sa ulat, habang naghahanda ng makakain sa beach resort si Mirafuentes ay bigla itong nilapitan ng suspek at agad binaril.
Dinala pa ng mga saksi ang biktima sa pagamutan, pero idineklara itong dead-on-arrival.





Comments