top of page

Kaya namakyaw ng nipple tape… JULIA, TANGGAP NA REYNA NG MGA FLAT NA BOOBS!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2019
  • 1 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

PINANINDIGAN talaga ng aktres na si Julia Barretto ang kanyang naging paha­yag at pag-amin sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa late-night talk show nitong Tonight with Boy Abunda na ‘di siya komportable sa pag­susuot ng bra at wa’ paki rin siya kung flat-chested siya.

Sinundan din ito ng litrato na ipinost niya sa kanyang Twitter account kung saan ay makikitang pumakyaw siya ng ‘nipple tape’ na ginagamit daw niya dahil ‘di siya komportable sa pagsusuot ng bra since wala itong makapitan.

Kaya nang may isang netizen na nag-mention sa kanya sa Twitter at tinawag na “Queen of the Flat-Chested Community” ay buong-ningning na nag-agree rito ang GF ni Joshua Garcia at sinabing “You may call me that.”

Sa kabila nito, maraming netizens ang sumuporta sa aktres dahil relate na relate sila rito at saludo sa pa­gi­ging proud ni Julia sa kung ano’ng meron siya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page