top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kakulangan ng mga propesyunal na mangangalaga sa mga senior citizen, bigyang-pansin!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 2, 2019
  • 2 min read

“AFTER a lifetime of working, raising fa­milies, and contributing to the success of this nation in countless other ways, senior citizens deserve to retire with dignity.”— Charlie Gon­zalez

MULA pa sa ating ama na si dating Senate President Edgardo Angara, pangunahin sa ating isinulong ang kapakanan hindi lamang ng kabataan kundi partikular para sa maayos na pamumuhay ng ating mga lolo at lola o ang senior citizen.

Tulad ng sinabi ng dating congressman ng Texas, U.S.A na si Charlie Gonzalez, sa haba ng panahon na sila ay nagtrabaho, malaki ang kanilang naging kontribusyon sa paglusog ng ekonomiya.

Kaya sa kanilang pagretiro, ibigay natin ang karapat-dapat na pasasalamat at pagkilala sa kanilang nagawa sa bansa at kasa­ma r’yan ang wastong pangangalaga.

Ito ang ikinalulungkot natin dahil sa isang report na ipinalabas ng Retirement and Health­care Coalition, kulang na kulang tayo ng mga propesyunal na ang espesyalisas­yon ay ang pangangalaga sa senior citizens – ang geriatri­cians.

Kilala ang ating ama bilang tagapagtaguyod sa kapakanan ng mga nakatatanda. Kaya napakasakit sa atin na salat tayo sa mga eksper­tong mangangalaga sa kanila.

Base sa ulat, 140 lamang ang ating geriatric doctors at wala tayong geriatric nurses. Ang mas nakalulungkot, sa kabuuan ng 140 geriatric doctors, halos kalahati ay walang aktuwal na karanasan sa geriatric hospitals o clinics.

Dahil ‘yan sa kakulangan ng mga kaukulang pasilidad na magagamit ng health professionals sa kani­lang pagsasanay. Sana naman, mayroon tayong nauukol na lugar kung saan makapag­sa­sanay ang ating geriatricians ng kanilang propesyon.

Sila la­mang ang maaasahan natin na mas naka­aalam sa pangangalaga sa kalusugan ng ating mga nakatatanda.

Sabihin na nating mayroon tayong geria­tric center sa St. Luke’s Medical Center pero sa reyalidad, kakayanin ba ng mahihirap nating mga lola at lola ang pagpapaospital sa SLMC?

May suliranin na sa kalusugan, bibigyan pa ba natin ng panibagong alalahanin?

Ang sa atin lang, siguro dapat buhayin ng pama­halaan ang National Center for Geriatric Health (NCGH) na itinatag noong 2010. Ito nalang sana ang ilaan para gawing training and research fa­cility para sa geriatric medicine and geronto­logy.

Adbokasiya natin, bilang pagpapatuloy sa legasiya ng ating namayapang ama na gawin ang lahat ng tulong sa maliliit na sektor ng ating lipunan at isa sa mga nangunguna rito ang se­nior citizens. Pinalawak natin ang batas, isi­nu­long natin na gawing libre sa VAT ang karamihan sa ka­nilang mga binabayaran at ang pagbibigay ng buwanang allowance na P500 sa pinakama­hihirap nating seniors.

Sa rami ng mga programa na naisulong na natin at nais pa nating isulong para sa kapaka­nan ng ating mga lolo at lola, kulang ang geria­trics natin na dapat manguna sa panga­nga­laga sa kanilang kalusugan.

Sana, maresolba ng pamahalaan ang ka­kulangan sa mga espesyalistang manganga­laga sa ating elders para kahit paano hindi na­man maging mahirap para sa kanila ang buhay sa kanilang twilight years.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page