Batang lalaki dedo sa ilog
KIDAPAWAN CITY—Isang 13-anyos na batang lalaki ang namatay nang mabagok ang ulo sa bato at malunod, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Balindog sa lungsod na ito.
Nakilala ang biktima na si Noven Agualan, residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat, maliligo sana sa ilog si Agualan, kasama ang tatlo niyang kaibigan, pero nang mag-dive ang biktima ay tumama ang ulo nito sa bato at nalunod.
Agad sumaklolo ang mga residente, pero bangkay na nang maiahon sa ilog ang biktima.





Comments