Aktor, after ma-link kay Maine… JOYCE, NAGSALITA NA SA RELASYON KAY JUANCHO


DAHIL sa sweetness nila kapag magkasama sa segment nila sa programang Unang Hirit, marami ang nagsasabing BF-GF na ang relasyon ngayon nina Juancho Triviño at Joyce Pring.
Naging super close ang dalawa sa UH kaya nabuo ang JuanCe love team at marami tuloy ang kinikilig sa kanila.
Nang mag-host ng TODA One I Love presscon si Joyce ay nagkaroon kami ng chance na tanungin ang real status ng kanilang relasyon ng Kapuso actor na si Juancho.
Opisyal na ba siyang girlfriend ni Juancho? For real na ba ang nakikita sa kanila ng lahat, especially ng mga viewers ng Unang Hirit?
“Naku, hindi! Hindi ko pa boyfriend si Juancho. Although super close kami sa isa’t isa, nasa stage pa lang kami na kinikilala ang isa’t isa. Ang nagustuhan ko kay Juancho, sinabi muna niya sa akin noon na gusto niya akong ligawan at seryosong relasyon ang gusto niya. Mabait si Juancho, dedicated at masipag sa trabaho. Hindi siya mahirap mahalin!”
Well, natsismis din noon si Juancho Triviño kay Maine Mendoza, pero sabi ni Joyce Pring, hindi raw ito totoo.





Comments