3 magbabarkada todas sa riding-in-tandem
- Jeff Tumbado
- Feb 2, 2019
- 1 min read

UTAS ang tatlong lalaki nang pagbabarilin ng hindi pa matukoy na mga salarin sa Bgy. Poblacion, Tupi, South Cotabato kamakalawa ng gabi.
Dead-on-the-spot ang magbabarkada na sina Denver Hipe, Ernemel Jancan at Junjun Heguera.
Nabatid sa inisyal na report, isang armadong lalaki ang lumapit at bumaril kay Hipe kung saan tinangka namang tumulong ang mga kaibigan nito at lumaban sa suspek pero, maging sila ay pinagbabaril din.
Tumakas ang gunman sakay ng motorsiklo na minamaneho ng isa pang suspek na nagsilbing lookout.





Comments