Temperatura bumaba sa -50°F hanggang -55°F | DFA SA MGA PINOY SA U.S.: MAG-INGAT!
- Jersey Sanchez
- Feb 1, 2019
- 1 min read
PINAYUHAN ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy na naninirahan sa Midwest ng U.S. na kasalukuyang dumaranas ng matinding lamig.
Ayon sa advisory ng DFA, pinaiiwas ang mga Pinoy na lumabas at manatili sa malalamig na lugar kung walang mahalagang gagawin.
Samantala, ayon kay Consul General Gina Jamoralin, nasa -50°F hanggang -55°F ang nararanasang lamig sa naturang lugar.
Isinara rin ang Philippine Consulate General sa Chicago upang matiyak ang seguridad ng publiko at kanilang personnel.





Comments