top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Sunud-sunod ang pambobomba, Martial Law sa Mindanao, wa’ ‘wenta?!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2019
2 min read

NANINIWALA ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ang mga radikal na miyembro ng Abu Say­yaf ang nasa likod ng pagbomba sa Simba­hang-Katolika sa Jolo, Sulu. Unang inangkin ng ISIS ang pagbomba sa Simbahan. Hindi naman malayo na nagsanib-puwersa na ang ASG at ISIS. Ayon sa eksperto, kung talagang mga suicide bomber ang nagpa­sabog sa Simbahan, ibig sabihin, malakas ang impluwensiya ng ISIS sa mga radikal. Hindi pa masabi ngayon kung cellphone o tao ang ginamit sa pagpapa­sa­bog. Ayon kay Pa­ngu­long Rodrigo Duterte, mga suicide bomber ang nagpasabog. Ayon na­man sa militar, babae raw ang nagpasok sa Simbahan ng bomba na nasa loob ng bag nito. Ito ay ayon umano sa dalawang nakaligtas na testigo.

Sa totoo lang, kung kilala na nila kung sino ang nakunan sa CCTV camera at kusa na ring sumuko ang dalawang tinutukoy na suspek, linisin na ang kanilang pangalan. Samantala, giit ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lo­renzana na mga teroris­ta ang nasa likod ng pambo­bom­ba at hindi ito salu­ngatan ng relihi­yon na tila pinipilit gawin ng ASG at ISIS, kaya Sim­bahan umano ang target. Sa totoo lang, kawawa talaga ang mga inosen­teng pinatay nila kaya kailangan ng hustisya para sa kanila dahil sibilyan sila o inosente sa gulong ito. Kaya naman, lumalakas ang tanong kung epektibo ba ang Batas-Militar ng ating gob­yerno sa Min­da­nao dahil tila sunud-sunod ang pambobomba rito. Kung iisipin, malaki ang intelligence budget ng Palasyo at AFP kaya bakit nakalulusot pa rin ang mga terorista?

◘◘◘

Kinondena rin ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pagbomba ng Simbahan. Nangako silang tutulu­ngan ang gobyerno para matukoy at mahuli ang mga salarin. Palagay natin, MILF ang maka­tutulong nang husto dahil sa kanilang impluwen­siya sa mga kapatid nating Muslim. Ang MILF ang nangu­nguna sa usaping kapa­yapaan at ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL). Hindi malayong isipin na kaya ito ginawa ng ASG ay dahil mawa­walan na sila ng saysay kapag tuluyan nang nabigyan ng awtono­miya ang ibang bahagi ng Mindanao.

May isa pang plebi­sito hinggil sa BOL kaya dapat itong pag­han­daan nang mabuti ng militar at pati na rin ng mga sibilyan. Dapat maging maingat at mapagmasid na rin. Higpitan nang husto ang seguridad para sa kaligtasan ng lahat.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page