top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sa dami raw ng fans…VICE, UMAMING KUMITA ANG MMFF MOVIE DAHIL SA MGA LOVE TEAMS NA CO-STARS

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

MAY bagong record na naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda dahil naungusan ng latest movie ni­yang Fastastica na official entry sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2018 ang record ng kanyang highest grossing film na Gandarrapiddo: The Revenger Squad kung saan co-stars niya sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Daniel Padilla.

Kumita ang Fantastica ng P596 million, samantalang P571 million naman ang kinita ng MMFF 2017 entry niyang Gan­darrapiddo.

Kumpleto ang cast na dumalo sa thanksgiving party ng Fantastica noong Martes (January 29). Present ang kanyang mga leading men na si Kapuso actor Dingdong Dantes at si Richard Gutierrez at ang mga young love teams na kanyang nakasama sa pelikula.

Sa speech ni Vice Ganda, lubos ang kan­yang pasasalamat sa cast at crew na bumuo sa pelikula at sa mga ABS-CBN executives para sa suportang ibinibigay sa kanyang mga pelikula.

Sey ni Vice, “Kina Dong and Richard, maraming salamat sa inyong dalawa. Ang laking bagay ang ginawa n’yo sa movie dahil una, bukod sa binigyan n’yo ako ng ba­gong partners, binigyan n’yo ng bagong lasa ‘yung pelikulang ginagawa ko. ‘Yung mga ipinakita n’yo ru’n ay sobrang kinagiliwan ng mga manonood.”

Nagpasalamat din siya sa mga comedians na co-stars niya sa pelikula na sina Chokoleit, MC, Lassy at Juliana na kasama na raw niya nu’ng binubuo pa lang ang box office hit film.

“I cannot imagine doing any film without you. Kailangang-kailangan ko kayo sa peli­kula. Kung inaakala ng ibang tao na na­pa­ka­husay ko, hindi. ‘Yung ibang husay ay hinihiram ko lang din sa inyo. Maraming salamat sa inyo,” kuwento ni Vice.

Sa huli, nagpasalamat din si Vice Ganda sa mga young love teams na naging parte ng kanilang pelikula at sa mga supporters ng mga ito.

Aniya, “Ang galing at ang laki ng utang na loob namin na bukod sa sarili naming mga fans, ‘yung mga fans clubs ninyo, napa­kaiingay nila, napakalakas ng suporta nila, ang lala ng pa-block screening nila at ‘yung pagpo-promote na sila lang ang guma­gawa. Pakisabi sa fans clubs ninyo, mara­ming-maraming salamat sa inyo.”

Kabilang sa mga love teams na kasama ni Vice sa Fantastica ay ang DonKiss nina Donny Pangilinan at Kisses Delavin, May­Ward nina Maymay Entrata at Edward Barber, at LoiNie na pinagtatambalan nina Ronnie Alonte at Loisa Andalio.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page