top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Police official in-ambush

Jeff Tumbado
Feb 1, 2019
1 min read

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang police official sa nangyaring pananambang sa kanya ng riding-in-tandem sa Zamboanga Sibugay gabi ng Miyerkules.

Nagpapagaling na sa ospital sanhi ng tama ng bala ng baril sa kanyang kilay at daliri si Police Senior Inspector Yashier Abdulla Sarikin, nakatalaga sa Zamboanga Sibugay Police Provincial Office.

Ayon sa imbestigasyon, kararating lamang ni Sarikin sa kanyang inuupahang bahay, alas-8:45 ng gabi nang dumating ang dalawang motorsiklo at lumapit sa kanyang kotse ang isang naka-bonnet na angkas na lalaki at sunud-sunod na pinaputukan ang pulis.

Nakahanap ng pagkakataon na makaganti ng putok si Sarikin kaya mabilis na tumakas ang mga suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa tangkang paglikida sa nasabing police official.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page