Mindanao, sinalubong ng madugong Valentine

PEBRERO na.
Advanced Happy Valentine’s Day!
◘◘◘
KULAY pula ang Valentine’s Day.
Kulay pula rin ang dugo na sumalubong sa mga taga-Mindanao!
◘◘◘
MAG-INGAT din dapat ang Visayas at Luzon.
Mahirap mahuli ang mga terorista.
Kasi maging ang U.S., U.K. at France ay hindi ligtas sa terorismo!
◘◘◘
BINOMBA nang magkasunod ang Sulu, Cotabato at Zamboanga.
Bakit walang reward sa makapagtuturo sa mga salarin?
◘◘◘
MAY P3 milyon ang reward sa magtuturo sa suspek na bumaril at pumatay sa kandidatong kongresista sa Kyusi.
Hindi ligtas ang Metro Manila sa “patayan”!
◘◘◘
BINITAY ang isang Pinay na nakapatay sa Saudi Arabia.
Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa!
◘◘◘
APATNAPU’T limang toneladang basura ang narekober sa Manila Bay.
Nilinis ang Manila Bay para mabilis na ma-reclaim ito ng mga “naglilinis-linisan”!
◘◘◘
NAKAKATAWA ang gobyerno.
Alam ba ninyo na tatambakan o ire-reclaim ang Manila Bay na sakop ng Maynila at Pasay?
Mas masama ang epekto sa kalikasan ng reclamation kaysa sa basurang tinanggal!
◘◘◘
IPINAGYAYABANG na magiging “beach” daw ang Manila Bay.
Magiging pag-aari ‘yan ng kroni na nakakontrata sa reclamation project.
Aprubado na ang kontrata, “without thinking”.
Isang dakot kayong plastik!
Ha! Ha! Ha!





Comments