top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Mga taong magpapakalat ng pekeng bomb threat, sampolan!

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2019
2 min read

MAIHAHALINTULAD sa kadena ang sunud-sunod na trahedya ng pagpa­pa­sabog na nangyari sa Cathedral sa Jolo, Sulu at sa Mos­que sa Zamboanga City kung saan higit itong nakababahala, lalo na at may kumakalat nga­yon sa social media na pasasabugin umano ng gru­pong Abu Sayyaf ang SM Malls na mada­las pasyalan ng karamihan sa iba’t ibang pa­nig ng bansa.

Gayunman, agad itong itinanggi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at sinabi sa publiko na huwag mag-panic dahil fake news lamang ito.

Ayon kay NCRPO Chief Director Ge­ne­ral Guillermo Eleazar, ang nasabing mensahe ay may layon lamang na mag­dulot ng panic o pagkaalarma sa publiko.

Pinayuhan din niya ang lahat na ma­ging ma­pagmatyag at alerto nang sa gayun ay ma­kaiwas sa mga insidente na maaaring magdu­lot ng panganib sa buhay ng lahat.

Samantala, bilang mamamayan, hu­wag na tayong makidagdag pa sa mga suliraning pi­nagdaraanan ng bayan dahil sa totoo lang, hindi ito nakabubuti at mas lalo lang tayong naka­gugulo sa mga kinauukulan.

Bagama’t, nakababahala ang mga trahed­yang ating nababalitaan, huwag tayong ma­wawalan ng pag-asa na ma­tutuldukan at mag­kakaroon din ng ka­ayusan ang lahat, lalo na sa mga lugar na target ng mga terorista.

Sa ngayon, hindi kailangan ng mga awto­ridad ng mga impormasyong trip-trip lang!

Kaya ang panawagan natin sa lahat, im­bes na magpakalat ng fake news, ma­kipagtu­lungan na lamang sa gobyerno para maging maayos ang estado ng bansa sa kabila ng sunud-sunod na trahedya na ating kinaha­harap.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page