Mga pambato ng dilawan, lahat walang ‘K’ 'Otso diretso' sa poso negro!

NATAWA tayo sa pahayag na “otso diretso” na ipinost sa Facebook. Ang katagang “otso diretso” ang madramang tawag ng mga dilawan (mga natitirang puwersa ni ex-P-Noy) sa walong kandidato nila para sa Senado sa darating na eleksiyon sa Mayo.
Alam naman natin ang ibig sabihin ng “poso negro” — malalim at nakabaong pinaglalagyan ng dumi ng mga nakatira sa bahay.
Tama naman ang tingin ng nag-post sa Facebook. Malamang, basura ang patutunguhan ng mga kandidato sa pagka-senador ng mga dilawan.
Eh, wala naman talagang kuwalipikado sa kanila na maging senador. Kahit barangay chairman, sa totoo lang, malamang ay hindi rin sila mananalo.
Isa-isahin nating usisain kung ano ang mga kuwalipikasyon nila at kayo na ang humula kung sinu-sino ang mga ito.
Unang kandidato, kalbong dating solicitor-general na nagmamayabang na siya raw ang humawak ng kasong isinampa ng pamahalaan ni ex-P-Noy laban sa Tsina tungkol sa South China Sea.
Mali ang kasong ‘yan at hindi makatutulong sa atin kundi sa propaganda lang ng Estados Unidos laban sa Tsina.
Pero, ang dating opisyal ni ex-P-Noy na ito ay wala naman talagang papel sa kasong ‘yun.
Ayon sa mga dokumento ng kaso, ang humawak ng kaso ay mga Amerikanong abogado na binayaran daw ng P600 milyon!
Ang balita natin, tagatimpla lang ng kape at taga-photocopy lang ito para sa mga Amerikanong abogado.
Ang pangalawang kandidato, kilalang abogado na halatang napakalaki ang kinita para ipagtanggol ang kandidatong napakalinaw na nandaya umano noong 2016 elections.
Pangatlo, dating sundalo na hindi tumupad sa sinumpaan niyang tungkulin na ipagtanggol ang gobyerno.
Kabaligtaran ang ginawa niya — sumali sa katawa-tawang grupo na binalak daw pabagsakin ang gobyerno noong 2003 at 2007.
Bakit katawa-tawa? Eh, nilusob ng mga kumag ang dalawang 5-Star hotel (Oakwood at Manila Peninsula) at hinintay na sumuporta sa kanila ang taumbayan habang nagpapalamig sila sa mga hotel na ito at inuubos ang beer ang kaso, walang sumuporta sa kanila at naiwan lamang silang “nganga”.
Wala pang isang araw, sumuko na sila dahil sa takot.
Pang-apat, panlima at pang-anim na dilawang kandidato: Ang tingin nila ay maaari silang maging senador dahil ang lolo, tatay at tiyuhin nila ay dating mga senador at dala-dala nila ang pangalan ng mga ito.
Pampitong kandidato, natalo na sa eleksiyon noong 2016, eh, kating-kati pa rin na magkaroon ulit ng posisyon sa gobyerno.
Suspetsa natin, ang asawa nito ang nagtulak sa kanya ang tumakbo, siguro naiinis ito na palagi lang siyang nasa bahay.
Pangwalong kandidato, taga-Mindanao raw. Hindi natin alam dahil ngayon lang natin narinig ang pangalan nito.
‘Yan ang mga kandidato ng mga dilawan: Otso, diretso sa poso negro, pwe!





Comments