top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Kaya make sure na maghihinay-hinay ka, teh! PAGKAHILIG SA CHEESE, PRONE SA DENGUE!

  • Donna Thea Topacio
  • Feb 1, 2019
  • 2 min read

LIKAS na talaga sa mga Pinoy ang pagiging habulin dahil karamihan sa atin, eh, todo-por­ma para gumanda, pero mayroon din namang habulin, hindi ng tao kundi ng mga lamok. Hi-hi-hi! ‘Yung tipong sa inyong magka­ka­ibi­gan, eh, ikaw lang ang palaging nag­kakaroon ng pantal, malas! Ha-ha-ha!

Ayon sa mga eks­perto, ang pagiging lapitin ng lamok ay nakabase sa kapali­giran, gayundin sa blood type at mga kinakain ng indibidwal.

Sa pag-aaral, natuklasan ng mga dalubhasa na ang mga ta­ong mayroong blood Type A ay mas lapitin ng lamok ng 2 beses kumpara sa iba. Woah!

Gayunman, kung mahilig kayong ku­main ng cheese, soya, yogurt at iba pang pagkaing may lactic acid, mga beshy, naku, bad ‘yan, dahil ayon sa mga eksperto, naa-attract umano ang mga lamok sa mga ganitong klase ng tao dahil sa oras na na-absorb ng pawis ang lactic acid ay nagu­gustuhan ito ng lamok, buti pa ‘yung lamok, noh, nagkaka­gusto? Ha-ha-ha!

Kaya naman, para hindi makagat ng lamok na maaaring magresulta ng dengue na nakama­matay at delikado talaga, eh, mag-ingat at maghinay-hinay lang sa pagkain ng mga pagkaing mayroong lactic acid nang sa gayun ay maiwasan ang iba’t iba pang kumplikasyon, gayundin ang naghi­hingalo ninyong bulsa dahil sa mahal ng ibabayad ninyo sa ospital.

Samantala, ang pagkakaroon ng dengue ay hindi naba­base kung tag-araw o tag-ulan, kaya huwag tayong magpakam­pante, copy?

Matutong maglinis at huwag magpabaya sa sarili, ‘ika nga, cleanliness is next to Godliness!

Oh, ayan mga beshy, marahil, ka­unti lamang ang mga da­hilan na ito, pero make sure pa rin na susundin ninyo nang sa gayun ay maka­iwas kayo sa kapaha­makan na dulot ng lamok.

Palagi tayong maging handa nang sa gayun ay hindi magsisi sa huli.

Okie? He-he-he!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page