Home remedies para sa eyebags
- BULGAR

- Feb 1, 2019
- 2 min read
Dear Doc. Shane, Ako ay tatlong taon nang nagtatrabaho bilang call center agent at night shift ang schedule ko, dahil dito natutulog ako sa umaga after work, nagtataka ako kasi mayroon pa rin akong dark circle sa ilalim ng mga mata ko. Sobrang distracted ako kasi maraming nakapapansin nito. Ang pangit talagang tignan kaya I usually wear shades kahit hindi mataas ang araw para maitago ito. Gusto kong malaman kung ano ang best way para magamot o mawala ito? — Irish
Sagot Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng eyebags at pangingitim ng ilalim ng mga mata?
Kadalasan ito ay dulot ng pagpupuyat o kakulangan sa tulog, paninigarilyo at madalas na pag-inom ng alak.
Dahil dito, nababawasan ang laman (fats) sa ilalim ng mga mata, nasisira ang mga ugat at nangingitim ang mga mata.
Narito ang dapat maaaring gawin para mabawasan ang eyebags:
Mahalagang matulog tayo ng 7 hanggang 8 oras.
Magpalamig ng ilang hiwa ng pipino. Ipikit ang mga mata at ipatong ito sa ibabaw ng mga mata sa loob ng 15 minuto. Palitan ang pipino kapag hindi na ito malamig.
Maaari rin ang teabags. Ilubog ang 2 teabags sa maligamgam na tubig at palamigin ito sa refrigerator. Ipatong ang teabags sa mga mata ng 15 minuto. Ang sangkap na tannin sa tea ay nakatutulong sa pagbabawas ng pamamaga at pangingitim ng mga mata.
Kung wala namang oras o nagmamadali, kumuha ng yelo o pinalamig na kutsara at ipatong ito sa eyebags. Gawin ito ng ilang minuto habang malamig pa ang kutsara.
Iwasan ang mga nakaa-allergy na bagay o pagkain. Maaari kasi itong magdulot nang pamamaga ng mga mata.
Sikaping magkaroon ng healthy lifestyle.
Ugaliing uminom ng 8 hanggang 10 baso ng tubig, araw-araw — makatutulong ito para iwasan ang dehydration.
Hangga’t maaari, umiwas sa mga bagay at pagkakataon na nakapagpapa-stress. Iwasan ang palaging pagsimangot.




Comments