top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Di lang si Boy ang nasampulan… KRIS, NAINIP LANG, MANAGER SA SIYETE, NILAYASAN KAHIT MAY KONTRATA P

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Feb 1, 2019
  • 3 min read

BIGLANG nanahimik si Gretchen Barretto sa “panggigiyera” kay Kris Aquino sa social media. Duda tuloy ng ibang netizens, baka na-afraid si La Greta kay dating BIR Commissioner Kim Henares na biglang nag-post din sa social media na patama sa dating ST Queen.

May netizens naman ang nagbanggit ng pangalan ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda sa comment section ng articles tungkol sa rift nina Kris at La Greta sa social media.

Hindi naman masisi ang mga netizens dahil kilalang mala­pit kina Kris at Gretchen si Kuya Boy. Some of them, gusto pa yatang makisawsaw si Kuya Boy sa isyu ng dalawa.

Sorry, but that’s not Kuya Boy’s cup of tea, ang makisawsaw. Besides, sa sobrang kabisihan ni Kuya Boy, baka wala siyang ideya sa pinakaugat ng away nina Tetay at Greta.

And lastly, we heard ilang years nang ‘di nakikita ni Kuya Boy sina Gretchen at Kris. Although, minsan daw ay nagte-text si Kris sa kanya ‘pag may itatanong. ‘Yan ay sa kabila ng ginawang paglayo ni Kris sa kanya, huh?

Based sa inilahad ni Nicko Falcis sa kanyang affidavit, ipinaalam daw ni Kris na kailangan niya ng bagong talent agent dahil hindi na raw siya nire-represent ng dalawa niyang dating talent agents na nagha-handle ng kanyang TV/movie career and endorsement contracts.

Obviously, ang tinutukoy ni Kris dito ay ang dati niyang manager at ABS-CBN executive na si Deo Endrinal, habang si Boy Abunda naman ang agent niya for endorsements.

In fairness kina Deo at Kuya Boy, si Kris ang umalis sa kanilang pangangalaga. May tsika na nakarating sa amin na deeply hurt daw si Deo nu’ng biglang kalasan ni Kris.

And for Kuya Boy, never namang tinrato ng King of Talk na ‘kliyente’ si Kris kundi isang kaibigan na tinutulungan niya. For the record, walang naba­litang anomalya or isyu sa ko­misyon nu’ng si Kuya Boy pa ang nagha-handle ng mga endorsements ni Kris. In fact, naikukuwento sa amin ni Kuya Boy na diretso kay Kris ang pera bilang bayad sa kanya sa nakukuha niyang endorsement. And then, saka pa lamang ibibigay ni Kris kay Kuya Boy ang kanyang komisyon.

So, nu’ng kumalas na si Kris kay Kuya Boy, malinis niyang nai-turn-over lahat ng records and documents ng mga endorsements na nakuha ng King of Talk para sa kanya.

During Deo’s time naman bilang manager ni Kris, ‘di na kailangang sabihin pa ang mga nagawa nito sa kanyang career for 22 years. Kaya nga siya binansagan bilang Queen of All Media, ‘di ba?

After Deo, lumapit si Kris sa generous, kind and soft-spoken na si Tony Tuviera. Si Tony or Mr. T sa mga ka-close niya sa showbiz ang nagmamay-ari ng Triple A kung saan pumirma ng managerial contract si Kris. Siya rin ang president and CEO ng APT Entertainment.

But according sa affidavit ni Nicko, ilang buwan lang daw ang lumipas at napabalitang umalis na si Kris sa Triple A sa hindi malinaw na dahilan.

Ang basa namin d’yan, baka na-disappoint si Kris dahil ‘di naman siya nakagawa ng show sa alinmang TV network at nainip, kaya may-I-babu agad siya sa Triple A.

Magkagayunman, dapat ay inirespeto ni Kris ang pinirmahan niyang kontrata sa Triple A at ‘di ‘yung iniwan niya sa ere si Mr. T.. Kaya kung masama man ang loob sa kanya ni Tony hanggang ngayon, maiintindihan namin.

And then, kinuha naman niya si Erickson Raymundo ng Cornerstone para i-manage ang kanyang career. But up to now, ‘di pa rin napapanood si Kris sa telebisyon. Kaya ‘di na rin kami mag­tataka if one of these days ay bigla ring kalasan ni Kris si Erickson at maghanap ng ibang talent manager.

Nakakapanghinayang kung iisipin ang mga taong kinalasan ni Kris na siyang tunay na nagke-care at nagmamahal sa kanya. Feeling niya siguro, lahat ng mga tao na nakikipag-close sa kanya is just using her because she’s KRIS COJUANGCO AQUINO.

Biglang isinara ni Kris ang kanyang pinto sa mga kai­bigan niya gaya ni dating Biñan Mayor Len Alonte, even Vice Ganda, nu’ng magpalit ng administrasyon sa gobyerno. Kaya nga kumalat ang balita na ‘di sila okey ni Vice gayung si Kris daw mismo ang “nandedma” kay Vice. At si Vice, clueless noon bakit may isyu na ‘di sila okey ni Kris.

Hay, naku!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page