DFA Sec. Locsin, sobrang adik sa social media, dapat sa kanya sibakin at ilipat sa dating puwesto n

DFA SEC. LOCSIN, AYAW MAGLUBAY SA KATI-TWITTER, PATI PAGBITAY SA PINAY OFW, IDINAAN NA LANG SA “TWEET” — Nag-post sa social media si DFA Sec. Teodoro “Teddy Boy” Locsin, Jr. tungkol sa kumpirmasyong binitay na ang isang Pinay OFW sa Saudi Arabia.
Ayaw talagang maglubay ni Sec. Locsin sa katu- "tweet” kasi imbes na pormal siyang magpatawag ng presscon at ihayag sa publiko ang detalye ng mga pangyayari sa pagkakabitay sa Pinay OFW, eh, idinaan na lang niya ito sa pag- "tweet” sa social media.
Kung ganyan na masyadong nahuhumaling si Sec. Locsin sa social media, ang dapat gawin dito ni P-Duterte ay sibakin sa DFA at italaga sa dating puwesto ni ex-Asec. Mocha Uson bilang PCOO assistant secretary for social media, boom!
◘◘◘
BATA NI ERAP NA HEPE NG ANTI-SCALAWAG, SCALAWAG DIN PALA—Ang isa sa mga bata ni Mayor Erap Estrada na si Mark Bien Urrieta, hepe ng Anti-Scalawag and Cleansing Section ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ay hinuli ng PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) sa kasong pangingikil ng P6K sa isang vendor.
Pambihira naman si Mayor Erap, maglalagay din lang ng hepe sa anti-scalawag section, eh, ang itinalaga pa, scalawag din kaya ang resulta, ‘yung bata niya, timbog sa kotong, buwisit!
◘◘◘
PALUSOT NI ERAP NA VOLUNTEER LANG SI URRIETA, SABLAY! —Sablay ang palusot ni Mayor Erap na volunteer lang daw si Urrieta.
Para na rin kasi niyang sinabi na nag-volunteer ang MTPB-Anti-Scalawag and Cleansing Section chief para mang-extort sa mga vendor, boom!
◘◘◘
CLOSE-OPEN RAKET SA JURISDICTION NINA MAYOR RECAFRENTE, MAYOR FERRER AT PD SEGUN SA CAVITE — Balik-operasyon na naman daw ang raket na drop balls at color games ni “Egay” sa Bgy. Salinas, Rosario at Bgy. San Francisco, Gen. Trias, kapwa sa Cavite.
‘Yan ang raket ng mga iligalista sa jurisdiction nina Rosario Mayor Jose Ricafrente III, Gen. Trias Mayor Antonio Ferrer at Cavite PNP Director Sr. Supt. William Segun, close-open, mga pwe!





Comments