DAVAO PRIDE MANGOSONG, MITRA AT RELLOSA HAHARUROT SA MMF SUPERCROSS SA TAYTAY


MULING sasabak sa putikan at matinding sikat ng araw ang mga sikat na mga motocross riders sa unang yugto ng MX Messiah Fairgrounds (MMF) Supercross 7 ngayong Sabado sa MMF, Club Manila East, Taytay Rizal.
Aabangan ang muling pagtutunggali nina Davao pride Bornok Mangosong, 87 Racing rider Jeric Mitra at pambato ng Bicol na si Enzo Rellosa.
Umaatikabong harurutan ang pag-aagawan para sa overall championship crown sa 5-leg series.
Hindi rin magpapahuli ang mga rising moto stars na sina Ralph Ramento at Ompong Gabriel sa pagsungkit ng korona sa pro open category. Sasabak ang Taytay bet na si David Viterbo sa pagtransisyon ula sa 85cc sa pro.
Bibida rin ang dalaga na si Pia Gabriel kontra Quiana Reyes at Jasmin Jao sa ladies class (no age limit) at Shana Tamayo sa girls class (12 and below).
Nasa line-up din ang mga tsikiting na sina Joshua Tamayo, Kindrich Flores at Christian Mercado na sasabak sa Yamaha PW50 (5 and below), 50cc (7 and below), 50cc (9 and below) at 65cc.
Ilan pa sa mga kategorya na masasaksihan ay ang amateur open production (17 and below), amateur open production (No age limit), veterans class (35 and above), executive (40 and above), open local enduro (125-150 4-stroke), pen Local enduro 2-stroke at power enduro.
Naglaan ang Generation Congregation ng karera para sa mga bagong sabak sa isports sa pamamagitan ng kanilang MMF Academy classes.
“Nais namin ma-unite ang sport na motocross sa bansa at magbigay ng pagkakataon para sa mga riders na higit pang mahasa ang kanilang gilas at liksi. Inaanyayahan namin kayo na makapunta at masaksihan ang laban sa Linggo,” sabi ni Sam Tamayo, CEO sa TOPS kahapon.
Ang registration ay papalo sa halagang P500.00 kada kategorya at masasaksihan sa MMF at Vermosa mula sa Sabado at sa Marso 3, Marso 23, Marso 24, Abril 14 at Mayo 3.
Malalaki ang premyo na nakataya sa nasabing seryeng inorganisa ng MMF at suportado ng Shell Advance. (MC)





Comments