top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Ayaw umamin sa relasyon, ibinuking ni Gladys…BIANCA, GAME MAGING INC PARA KAY RURU

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 1, 2019
1 min read

KUNG ayaw mang aminin ni Ruru Madrid na may “something special” na namama­gitan sa kanila ni Bianca Umali, ibinuking naman ni Gladys Reyes na kasama sa cast ng TODA One I Love ang real feelings ni Bianca kay Ruru.

Nang sabay daw silang nag-guest ni Bianca sa Da­ig Kayo Ng Lola Ko, na­itanong niya sa young Ka­puso actress kung handa ba itong magpa-convert sa Iglesia Ni Cristo kung saka-sakali?

Alam ng lahat na si Ruru at ang buong pamilya nito ay aktibong miyembro ng INC kaya mahalagang factor na walang conflict sa kanilang relihiyon ang makaka­relasyon ng aktor.

Well, positibo at hindi raw nagdalawang-isip si Bianca sa tanong ni Gladys kung handa siyang magpa-convert sa INC sakaling mauwi sa totohanang relasyon ang sa kanila ni Ruru.

Samantala, kahit astig at kontrabida ang tingin ng lahat kay Gladys, takot pala siyang sampalin si Kylie Padilla sa mga eksena nila sa TODA One I Love. Alam ni Gladys na favorite ni Robin Padilla si Kylie at ayaw na ayaw ni Binoe na masasaktan ang kanyang anak kahit na bahagi lang ito ng shooting o taping.

Sey na lang ni Gladys, kakausapin muna niya si Binoe kung kailangan talagang sampalin si Kylie.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page