top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

5 holdaper todas sa shootout

Vyne Reyes
Feb 1, 2019
1 min read

BULAGTA ang limang hinihinalang holdaper matapos makipagbarilan sa mga awtoridad sa Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Batay sa paunang impormasyon mula sa Quezon City Police District (QCPD), ala-1:40 ng madaling-araw nang maganap ang engkuwentro sa dalawang suspek sa isang checkpoint sa Giraffe St., Bgy. Ugong.

Nagsasagawa umano ng checkpoint sa kanto ng Green Meadows at Giraffe Sts., nang lagpasan ng riding-in-tandem.

Kasunod nito ay hinabol sila ng mga awtoridad subalit, sa halip na huminto ay pinaputukan umano ng mga suspek ang sasakyan ng tumutugis sa kanila kaya pinagbabaril na rin sila ng mga awtoridad.

Nabatid na isang robbery hold-up ang naisumbong sa Eastwood Police Station na naganap sa Green Meadows, kanto ng C-5 Road.

Una rito, alas-10:30 ng gabi ng Enero 30, nakasagupa ng mga pulis ang tatlong nangholdap umano sa UV Express sa Pilaring St. kanto ng Luz St, R.P, sa Bgy. Gulod, Novaliches.

Ayon sa mga pasahero, binabagtas nila ang Quirino Highway nang magdeklara ng holdap ang mga suspek at nilimas ang kanilang cellphones, laptop at pera.

Nagsisigaw umano ng saklolo ang mga pasahero dahilan para mataranta ang mga suspek at iniwan ang isa nilang sinakyang motorsiklo saka tumakas na magkakaangkas sa isa pa nilang motorsiklo.

Nang maispatan ng mga pulis ang sinasakyang motorsiklo ng mga sinasabing holdaper ay agad nilang hinarang ang mga ito subalit, sa halip na huminto ay nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya rumesbak ang mga pulis.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page