top of page
Pokwang.jpg

2020 WORLD DRAGON BOAT CONGRESS, KASADO SA ‘PINAS

Clyde Mariano
Feb 1, 2019
2 min read

SA unang pagkakataon magiging Dragon Boat capital ang ‘Pinas sa buong mundo matapos magkaisa ang 134 kasaping mga bansa na dito gawin ang 2020 World Dragon Boat Congress at ang ‘Pinas ang unang bansa sa Southeast Asia at pangalawa sa Asya na nakapag-host ng Congress na unang ginawa sa Hong Kong noong 1997.

Sinabi ito ni Philippine Canoe Kayak and Dragon boat Federation (PCKDF) president Jonne Go sa una niyang pagbisita sa TOPS (Tabloid Organization in Philippine Sports) sa National Press Club kahapon kasama si International coach Len Escollante na nagbigay ng update tungkol sa paghahanda sa 2019 Southeast Asian Games na gagawin sa bansa. “We feel honored ang gratified for the trust and confidence choosing the Philippines as host of the 2020 World Dragon Boat Congress,” sabi ni Go na isa ring ranking official ng Asian Dragon Boat Association na pinamumunuan ni Toshiho Narita.

Ayon kay Go darating si Narita galing sa Sapphoro kung saan siya nakatira para dumalo sa nasabing Congress na suportado ng Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee.

Sinabi ni Go malayo pa man ang SEAG ay pinaghahandaan nila para maging maayos at pulido at makuntento ang foreign delegates na darayo sa bansa kasabay na rin ng pag-iibayo ng turismo. “Malayo pa man ay pinaghahandaan na namin para mapatakbong maayos at hindi tayo mapahiya sa foreign delegates sa una nating pag-host sa Congress,” ani Go.

Hindi sinabi ni Go, auditor ng Philippine Olympic Committee, ang halagang gagastusin sa nasabing Congress at aniya sasabak ang Pinoy sa labas upang humusay pa sa 2019 SEAG. Aniya, anim na ginto sa Dragon Boat at anim na ginto sa canoe kayak ang paglalabanan at umaasa si Go na muling paninindigan ng Pinoy ang husay sa pagsagwan.

Ang Dragon boat ay kasama sa 56 sports sa 30th edition na 11-nation biennial meet tampok ang mahigit 10,000 atleta na aarangkada sa Nobyembre sa New Clark City Sports Complex sa Pampanga.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page