2 U.S. COCKERS, BIDA SA ‘SLASHER’


DALAWANG American cockers na sina Belle Almojera ng Florida at Michael Mushburn ng California ang patok sa Day 2 semifinals ng “2019 World Slasher Cup 9-Cock Invitational Derby” ngayong Biyernes, Peb. 1 sa sikat na Smart Araneta Coliseum.
Impresibong dalawang panalo ang nadale ni Almojera, runner-up sa 2018 WSC 1 (7.5 points) habang 2 points din sina Mushburn at Filipino partner William Mamba.
Bukod sa 75 sultada, atraksyon din ngayon ang raffle draw para sa apisyonado taya ang 32" inch LED tv mula sa Powertrac.
May dalawang panalo rin, ang defending champion Patrick Antonio, Marvin Rillo at 2018 WSC 2 champ Rey Briones (tig-dadalawang entries), Eman Fiscalizer, Ben Mondragon, Kulit Alcala, Jimmy Junsay, Mark Calixto, Claude Bautista at Dicky Lim. “The target in the semifinals is to register that elusive 5 - 0 (win -loss) slate and hopefully a perfect nine points in the grand finals on Feb.6, “ani Pitgames CEO Manny Berbano, host at producer ng sabong program ‘Tukaan’ sa TV 5 (Linggo, 8 a.m. hanggang 9 a.m). (MC)





Comments