PILIPINAS 3X3, PALALAKASIN ANG TORNEO AT GAGAWING REGULAR


BUKOD sa maningning na seremonyas para sa pagbubukas ng first conference ng Chooks-to-Go Pilipinas 3x3, dalawang mahalagang personalidad ang nakatakdang dumalo sa okasyon.
“Tayo ang magpapalakas ng 3x3 dito sa Asia. It’s up to us if yung liga natin ang magdadala ng points para mag-qualify tayo sa Olympics,” ayon kay league patron at Bounty Agro Ventures Inc. president Ronald Mascariñas.
“Ang kagandahan dito is yung top brass ng FIBA 3x3 is coming on February 16,” dagdag ni Mascariñas. ”In fact, they want all the heads of the federations in Asia will come to observe on how we will conduct the opening.”
“Yung pagdating ng FIBA representatives, I hope we can chart even better how we can raise more points,” ayon pa kay Mascariñas sa idinaos na pagtitipon ng mga team owners ng mga koponang kalahok sa liga sa Holiday Inn sa Pasig City na inaasahan niyang magiging isa sa mga regular nilang aktibidad.
Sa pagbubukas ng President’s Cup sa susunod na Sabado-Pebrero 16 sa SM Megamall Activity Center ay magiging mahalagang panauhin sina FIBA 3x3 director David Crocker at business manager Fei Gao.
Nais ni Mascariñas na makabalikat ang grupo sa kanilang misyon na mapaigting ang nasyonalismo ng bawat Filipino sa pamamagitan ng sports.
Kabilang sa dumalo sa pagtitipon ng mga team owners sina Bacoor Striker owner Dennis Abella; 1Bataan Risers manager Borgie Hermida at Jonas Villanueva, Marvin Manzon at head coach Elvis Tolentino ng Marikina Shoemasters, Aldo Panlilio at Lou Abad ng Pasig-Grindhouse King, Philip Sison ng Pasay; Go-for-Gold-San Juan Knights owner Chris Conwi at Dands Javier; Valenzuela Classic owners Alvin at Grace Bartolome; Vigan Baluarte owners Christian Singson at Michael Acuna; at Junnie Navarro ng Zamboanga Valientes. (VA)





Comments