top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

P190 bilyon sa mga senador, P51 bilyon sa mga kongresista, pork barrel pinagparte-parte na?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 31, 2019
  • 2 min read

PERA NG BAYAN, PINAGPAPARTE-PARTEHAN NG MGA PORK BARREL POLITICIAN—Kinumpirma nina Sen. Ping Lacson at Sen. Loren Legarda na sa P3.757 trilyon 2019 National Budget ay may nakapaloob dito na P190 bilyon “pork barrel” para sa mga senador at P51 bilyon “pork barrel” para sa mga kongresista.

Ganyan kalaking halaga ng pera ng bayan ang pinagpaparte-partehan ng mga pork barrel politician kada taon, mga buwisit!

◘◘◘

P30 MILYON ANG REWARD NI P-DUTERTE SA BATOCABE SLAY, PERO SA CATHEDRAL BOMBING WALANG REWARD—Nang mapatay si Ako Bicol Partylist Rep. Rodel Batocabe, para madakip agad ang mga salarin ay nagpalabas si P-Duterte ng P30 milyon sa kaban ng bayan bilang dagdag-reward sa naunang P20 milyong reward na pinag-ambag-ambagan ng pamilya ni Batocabe at mga kongresista, pero sa Jolo Cathedral Bombing na kumitil sa buhay ng mahigit 20 Katoliko at pagkasugat ng mahigit 100 katao ay ni-singko ay walang inilabas na reward ang pangulo.

R’yan makikita na mas may malasakit si P-Duterte sa buhay ng kapwa niya pulitiko kaysa sa buhay ng mga Katoliko, hu-hu-hu!

◘◘◘

IMBES NA SALARIN ANG TUGISIN AT PATAYIN, KAMAG-ANAK ANG PINATAY NG AFP AT PNP—Inihayag ng AFP at PNP na napatay daw nila ang isang nagngangalang Ommal Yussop, kamag-anak ng isa sa mga nagpasabog sa Jolo Cathedral na si alyas Kamah.

Ganu’n? Diyan makikita na palpak ang AFP at PNP kasi imbes salarin ang tugisin at patayin, eh, ‘yung kamag-anak ng terorista ang pinatay, tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

PUWESTO NG VK NI ‘RICO’ SA LAGUNA, DRUG DEN NA RIN—Ginagawa na raw drug den ang puwesto ng mga video karera ni “Rico” sa mga barangay sa Laguna.

Kaya naman pala walang tulugan ang mga nagbi-video karera sa jurisdiction nina Laguna Gov. Ramil Hernandez at Laguna PD Sr. Supt. Eleazar Matta kasi nagsisipag-shabu muna bago magsugal, boom!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page