top of page
Pokwang.jpg

NEWSOME, PINAMBALANDRA NG BOLTS SA 20 PTS

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2019
1 min read

TINULDUKAN ng Meralco Bolts ang two-game winning streak ng TNT KaTropa matapos ilista ang 88-77 panalo kagabi sa 2019 PBA Philippine Cup sa Cuneta Astrodome.

Kumayod si Chris Newsome ng 20 points, siyam na rebounds at limang assists upang tulungan ang Bolts na umahon sa 21 points pagkakalubog sa second period at ipinta ang 2-2 karta.

Sinalpak ni Jason Castro ang lahat ng siyam na puntos sa simula ng second quarter upang hawakan ng KaTropa ang 30-9 bentahe may 10:43 pa sa orasan.

Pero unti-unting gumapang ang Bolts, naibaba nila sa siyam na puntos ang hinahabol, 30-39 sa halftime.

Nagpatuloy sa pagratsada ang Meralco sa third quarter kaya naagaw nila ang bandera, 63-58 papasok ng fourth canto.

Hindi na pinaporma ng Bolts ang TNT sa payoff period, nakipagsabayan sila sa puntusan upang sikwatin ang pangalawang sunod na panalo. Kumana si Baser Amer ng 17 puntos para sa Bolts habang bumakas si Jared Dillinder ng 16 markers, siyam na boards at limang assists.Bumanat si Castro ng 20 puntos habang 15 pts. at limang rebounds ang inambag ni RR Pogoy pero hindi sapat upang itaguyod sa panalo ang KaTropa. Tangan ng TNT ang 2-2 baraha. Mga laro bukas: (Ynares Center-Antipolo) 4:30 p.m. - Blackwater vs Phoenix: 7:00 p.m. - San Miguel vs Rain or Shine. (ATD)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page