top of page
Pokwang.jpg

MAS SERYOSONG MANDIRIGMA SI THURMAN KAYSA KAY BRONER

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2019
2 min read

NOONG Sabado ng gabi, napanatili ni WBA welterweight champion Keith Thurman ang kanyang titulo sa bisa ng 12-round unanimous decision fight kontra Josesito Lopez sa laban na idinaos sa Barclays Center sa Brooklyn, New York.

Isang linggo bago iyan ay nadepensahan din ni Manny Pacquiao ang hawak niyang WBA “regular” welterweight title sa bisa ng unanimous decision win kontra kay Adrien Broner sa MGM Grand sa Las Vegas.

Kasunod ng pananaig sa laban, agad na hinamon ni Thurman sa isang bakbakan si Pacquiao, at aniya handa raw niyang harapin ang Pinoy superstar sa lalong madaling panahon.

Wala mang nakaka-impress na tikas si Thurman nang manaig kay Lopez, napagbagsak niya sa second round ang huli, pero muli siyang nakatikim ng malulupet na atake ni Lopez sa 7th round.

Mukhang ordinaryo lang si Thurman at animo madaling talunin, pero ayon kay coach Freddie Roach swak na swak ang estilo nito para kay Pacquiao na posibleng sa Mayo 2019 ay sasabak muli. “I think he’s good for Manny’s style, not easy though,” paliwanag ni Roach. “We want the best opponents out there, since he won, he’s one of the better guys out there.”

Hindi man mukhang agresibo si Thurman, kinokonsidera ito na seryosong challenge kay Pacquiao kumpara sa maingay at mayabang na si Broner na unang sinasabing pababagsakin niya si Pacman pero nabigo siya.

Matatandaan sa nakaraang ilang taon dahil na rin sa pagiging abala sa pulitika, hindi naluto ang laban bagamat nang panahon na iyon sina Pacquiao at Thurman ay pinapayuhan ni Al Haymon na magsagupa sa ilalim ng Premier Boxing Champion promotion.

At dahil malakas si Haymon kay Pacquiao, nagawa nilang mag-deal kaagad kontra Adrien Broner, na lumabas sa Boxingscene.

Naniniwala naman si Sean Gibbons, ang matchmaker sa MP Promotions ni Pacman na ang deal kontra Thurman ay dapat agad na isapinalisa.

Kung nais daw ng Senador na sumagupa kay Keith Thurman o kay Danny Garcia o kung sinuman sa welterweights sa PBC, si Al Haymon na ang bahala sa deal. Nai-deal daw ang Pacman-Broner fight sa loob lamang ng 10 minuto at kung may susunod mang makaka-deal ay baka 9 na minuto lamang dahil hindi raw mahirap kausap si Haymon.

Mula nang talunin ni Pacman si Lucas Matthysse at si Broners, sunud-sunod nang tawag ng paghamon ang natatanggap ng Pinoy boxing icon. “They all want to hit the lottery, and they all want to fight Senator Manny Pacquiao because they know that it is the biggest payday they could achieve,” dagdag ni Gibbons. “Everyone wants to fight the best fighter and the best fighter in the world is Senator Manny Pacquiao.” (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page