Manager, tigok sa motor

DEDO ang 27-anyos na manager matapos mawalan ng kontrol sa kanyang minamanehong motorsiklo at sumemplang sa Valenzuela City, kahapon ng madaling-araw.
Dead-on-arrival sa Valenzuela Medical Canter sanhi ng tinamong pinsala sa ulo si Jeff Sales, manager ng isang private firm at residente ng Bgy. Karuhatan matapos isugod ng concerned citizen.
Ayon kay Valenzuela Police Chief Senior Supt. David Nicolas, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling-araw sa kahabaan ng General T. De Leon Road, Bgy. Gen. T. De Leon.
Minamaneho ng biktima ang motorsiklo habang tinatahak ang kahabaan ng naturang lugar patungong McArthur Highway nang mawalan umano ito ng kontrol at tumama sa gutter bago sumapit sa makitid na kalsada.
Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima saka tumama ang kanyang ulo sa sementadong poste.





Comments