Kung ang New Year’s resolution ninyo, eh, maging organized ngayon taon... 6 TIPS SA PAGLILINIS NG K
- Donna Thea Topacio
- Jan 31, 2019
- 2 min read

‘IKA nga, linis, linis din ‘pag may time. He-he-he! Kaya para sa mga beshy natin diyan na ang New Year’s Resolution, eh, ang maging organized, hindi pa huli ang lahat dahil narito ang ilang tips sa paglilinis ng kuwarto:
1. PLAY MUSIC. Yes, besh, dahil nakapagpapasigla ang musika, lalo na kung medyo tinatamad kang kumilos. Makakakanta ka na, makapaglilinis ka pa! Work it girl! He-he-he!
2. THINK. Bago maglinis, make sure na naisip mo na kung anu-ano ang lilinisin mo sa loob ng iyong kuwarto, puwedeng ‘yung kama, aparador, lagayan ng mga sapatos at marami pang iba. ‘Ika nga, nakatutulong talaga kung magpaplano ka muna.
3. LET GO. Hindi lang tao ang dapat i-let go dahil maging ang mga gamit na hindi na napakikinabangan ay puwede ng itapon o kaya ay i-donate mo na lang sa mas nangangailangan. Okie?
4. MAXIMIZE. Dapat ay marunong tayong mag-maximize ng ating mga gamit lalo na kung ‘yung kuwarto mo, eh, hindi gaanong kalakihan at kakaunting gamit lang ang puwedeng ilagay. Huwag ng bumili ng kung anu-anong dekorasyon na magpapasikip lang din naman at hindi magandang tingnan. Copy?
5. RENOVATE. Kung bet mong maging bago talaga ang hitsura ng kuwarto mo, besh, ipinapayo rin namin ang pagre-renovate kung saan puwede kang magdagdag ng mga drawer at divider, magpalit ng pintura, bintana at pinto, oh, ‘di ba, bongga?
6. BE ALONE. Sa tuwing maglilinis ka, besh, mas mainam kung pipiliin mong mapag-isa para walang istorbo at makapagpokus ka sa ginagawa mo. May mga pagkakataon din talaga sa buhay natin na mas okay kapag mag-isa. Hu-hu-hu! Charot!
Oh, ayan, mga beshy, kung magiging organized lang din naman tayo, huwag na tayong lumayo at umpisahan natin ito sa loob ng ating bahay? Be clean and resourceful, mga beshy!
Okie?





Comments