Kelot nag-amok 5 pulis nadale
Jersey Sanchez
Jan 31, 2019
1 min read
SUGATAN ang limang pulis sa insidente ng pamamaril sa building sa Houston, Texas.
Batay sa unang imbestigasyon, bigla na lamang namaril ang suspek habang nasa gusali at tinarget ang pulisya.
Samantala, dalawa sa limang pulis ay nasa kritikal na kondisyon habang stable na ang tatlong iba pa sa Memorial Hermann-Texas Medical Center.
Napatay ng pulisya ang gunman ngunit, hindi pa matukoy ang motibo nito sa pamamaril.





Comments