top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Ibinuking ng alalay…PIOLO, DEDMA KAHIT BABAE NA ANG LUMALAPIT

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2019
2 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

NAKATSIKAHAN ng ilang movie writers ang PA (personal assistant) ni Piolo Pascual na si Moi Bien.

Sixteen years na palang nagta­trabaho si Moi kay Papa P.. Hindi rin niya inili­him na may anak na siya na pitong taong gulang na ngayon.

Ani Moi, “Ang dami ngang nagbibiro na baka anak ni Papa P. ang anak ko kasi two years na ako mahigit sa kanya nang mabuntis ako. Itinaon kong birthday niya nang ipaalam ko na buntis ako para hindi siya magalit.

“Nang malaman niya, natuwa naman siya at nagke-care sa kalagayan ko. ‘Pag nakita niyang nagbubuhat ako ng mga mabibigat, pinagbabawalan niya ako. Kung minsan, hindi pa nga niya ako pinakikilos, eh. Tuwang-tuwa naman ako.”

Kuwento pa ni Moi, “Napa­ka­­bait ni Papa P. bilang boss. Hindi siya bossy.”

Sa tagal ba ng pagsasama nila ni Papa P. sa iisang bubong, hindi niya ito pinag­nasaan?

“Ano bang hindi kung ang boss mo ay ganu’n kaguwapo at kabait? Kaya lang, dedma siya kahit nagpa­paramdam ako sa kanya,” lahad ni Moi

.

Sa ngayon ay hindi na raw siya naka­tira kay Papa P. dahil kahit papaano ay nakapagpundar na siya ng isang condo unit at kasama na niya ang kanyang anak.

“Thankful ako kay Papa P. kasi pina­yagan niya akong mag-artista,” ani Moi.

Kaya biro namin sa kanya, “Eh, di may P.A. ka na rin?” Natawa na lang si Moi.

Dahil marami ang kumukuwestiyon sa kasarian ni Papa P., tinanong namin si Moi tungkol doon.

Sambit ng PA, “Hindi. Walang katoto­hanan ang mga ibinibintang sa kanya. Eh, nagdadala nga siya ng babae sa bahay niya. May non-showbiz at may showbiz din.”

Si Moi ay kasama sa pelikula ng Spring Films na Kuya Wes na pinagbi­bidahan ni Ogie Alcasid. Bagay na tandem ang dalawa.

Ang movie ay tungkol sa remittances kung saan ang magkaibigang empleyado (Moi at Ogie) ay nag­hahanap ng magma­mahal sa kanila.

Si Ogie ay na-in love sa babaeng kumukuha ng remittance tuwing 16th at 31st of the month, na gina­gampanan ni Ina Raymundo, saman­talang si Moi naman ay naghahanap ng lalaking magmamahal sa kanya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page