Todo-reklamo sa baha, ayaw namang maglinis ng kanal, hmmm

HINDI na gaanong umuulan.
Pero, wala tayong nakikitang naglilinis ng mga kanal sa mga barangay!
◘◘◘
Makikita nating pagkukunwari at pautot lang ang mga propaganda ng gobyerno na nais makaligtas sa malalaking baha.
Nagrereklamo ang mga kolokoy sa baha kapag umuulan, pero ayaw namang maglinis ng kanal!
◘◘◘
Gusto ng mga kolokoy na hindi makaranas ng baha kahit marumi ang mga kanal.
Gusto nila kahit may bara ang mga kanal at marurumi, hindi sila makararanas ng baha.
Kalokohan ‘yan!
◘◘◘
Para hindi makaranas ng baha, dapat araw-araw ang paglilinis ng mga kanal.
Kailangan araw-araw, umulan man o umaraw, tiyaking walang bara ang mga kanal!
◘◘◘
Nangyayari ang baha sa tuwing umuulan, pero kapag tumigil ang ulan, nawawala ang baha.
Ang tanong: Abnormal ba ‘yan?
Ang sagot ay hindi abnormal, bagkus, normal talagang mararanasan ‘yan!
◘◘◘
Kung normal ang pagbaha tuwing umuulan, ibig sabihin, hindi problema ang baha tuwing umuulan, kung gayun, walang dapat ipag-alala.
Sa mga barangay na nagrereklamo sa pagkakaroon ng baha tuwing umuulan, ano ang solusyon?
Tama, maglinis tayo ng mga kanal!
◘◘◘
Simpleng paglilinis ng mga kanal ang solusyon sa baha.
‘Yan ang tinatawag na sentido-komon!
◘◘◘
Saang barangay ang naglilinis ng mga kanal, araw-araw?
Wala!
◘◘◘
Pero, may mga barangay na nagwawalis ng kalye, araw-araw.
Pero, dapat sabayan ng pagtungkab ng mga manhole at bombahin ng tubig ng fire truck ang mga kanal upang malinis ang bara!
◘◘◘
Dapat maglinis ng mga kanal tuwing umiinit ang araw upang kapag umulan, dire-diretso ang daloy ng tubig.
Ang problema, walang iskema o sistema o programa ang mga LGU para regular na linisin ang mga kanal!
◘◘◘
Kailangan badyetan ang suweldo ng mga tradisyunal na kaminero, mag-invest sa mga kagamitan tulad ng fire truck na araw-araw ay gagamitin sa paglilinis ng mga kanal!
Hindi seryoso ang national government at maging ang LGUs sa paglilinis ng paligid, pagsugpo sa baha at pangangalaga sa kapaligiran!
◘◘◘
Propaganda, pambobola at kamang-mangan lamang ang mga talumpati laban sa baha.
Napapahamak ang taumbayan sapagkat walang kukote ang mga nakaupo sa gobyerno na karaniwan ay nandarambong lang ng pondo ng bayan!





Comments