top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

PACQUIAO-BRONER, TUMIPAK SA LIVE TICKET, $6-M DOLLAR MEN

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2019
2 min read

MAIPAGMAMALAKI pa rin ni Manny Pacquiao ang kanyang kakayahan na padapain pagdating sa pagiging box office king ang mga mahuhusay na welterweights sa mundo kung pagkita lang ng limpak na limpak na salapi ang pagbabasehan.

Nakasosorpresa na naroon pa rin ang glorya niya pagdating sa ibabaw ng ring kahit na sinasabing paretiro na ang Pinoy boxing icon dahil nasa edad 40 na.

Ang landslide win ni Pacquiao noong Enero 20 na 12-round bout kay dating four-divison titlist Adrien Broner sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas ay kumita sa live gate o iyong mga nanood sa arena ng personal at bumili ng tikets sa halagang $6-milyong dolyar mula sa 11,410 na naibentang tickets, ayon sa datos ng BoxingScene.com mula sa Nevada State Athletic Commission noong Lunes.

Ang bilang ng mga tickets na naibenta kasama na ang 248 na complimentary tickets na opisyal na inisyu ay higit-kumulang pa sa inanunsiyong “sold-out” crowd na 13,025 na mga nanood sa pinagdausan ng bakbakan bagamat ang pigura ay hindi pa naitakda bilang opisyal na paid total attendance. Ang balita sa live gate ay kasunod sa ulat ng Showtime Pay-Per-View event na naibenta sa mismong may 400,000 units. Ang pigura na itinuturing na best-selling PPV event ni Pacquiao mula nang talunin siya ni Floyd Mayweather noong Mayo 2017, na may naitalang markang 4.6 million units sold.

Bagamat iyon ang naging pagtala, hindi pa nabasag ni Pacquiao (61-7-2, 39KOs) ang 400,000-buy mark mula nang makuha niya ang titulo sa 12-round win kontra Timothy Bradley noong Abril 14 na rematch sa Las Vegas.

Wala pang opisyal na ulat sa PPV event, pero bagong pagtala sa kasaysayan naman ang pagdumog sa live gate tiket na iyan kay Pacman.

Ikatlo pa rin si Pacquiao kina Mayweather at Saul ‘Canelo’ Alvarez na nakapag-prodyus ng pinaka­malaking kita sa live gates sa Las Vegas na nasa parehong dekada. Ang aktuwal namang pinakamasamang live gate ni Pacman sa Las Vegas ay iyong laban niya kay David Diaz sa Mandalay Bay noong Hunyo 2008 sa lightweight class.

Ang $6,000,032 na pigura nitong Enero 20 ay aktuwal na doble sa huli niyang laban sa Las Vegas nang umiskor din siya ng landslide win sa 12-round decision kontra Jessie Vargas noong Nob. 2016. Ang laban na iyon ay nakapagbenta ng 13,103 tickets na may 724 complimentary na naisyu, pero kumita lang ng $3.019 million.

Sa kabuuan, si Pacquiao ay may 9 na sa may 35 best selling events sa kasaysayan ng boksing sa Las Vegas.

Nalagay pa siya sa top 10 entry noong Dis. 2008 nang talunin si Oscar de la Hoya at doon nagsimulang maging superstar sa buong mundo si Pacman. (MC)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page