top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Miss Universe, mas bagay daw na bida… KAMPO NI PIA, 'DI MA-TAKE NA SUPPORT LANG SIYA NI LIZA SA

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 30, 2019
1 min read

MARAMI raw ang tumututol na gumanap na Valen­tina sa pelikulang Darna ang Miss Universe 2015 na si Pia Wurtzbach. Bakit kailangang gumanap na kontrabida ang beauty queen, eh, puwede namang magbida? At plus factor sa kanyang career ang pagi­ging beauty queen.

Hindi makaka-boost ng kanyang career ang pagganap na Valentina na mortal enemy ni Darna. Kaya payo ng mga tao sa paligid ni Pia, huwag na lang tanggapin ang offer sa kanya sa Darna movie. Wait na lang siya ng project na siya mismo ang bida at hindi suporta lamang ni Liza Soberano.

It seems marami ang aberya sa Darna movie hindi pa man ito nag-uumpisa. Una nang nag-backout ang direktor nito na si Erik Matti. Aayusin din ang script at ipa-finalize pa ang cast na bubuo sa pelikula.

Isang malaking project ang Darna na tiyak, malaki rin ang magiging production cost. Pati location at special effects, dapat ay bonggacious upang mapaiba sa mga naunang Darna movies na ginawa.

Biggest project ito ni Liza Soberano sakaling matuloy.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page