MATIKAS BA ANG TNT SA BOLTS, O SASALO SA LIDERATO ANG ROS?
- Clyde Mariano
- Jan 30, 2019
- 2 min read

PUNTIRYA ng Rain or Shine Elasto Painters na sumosyo sa liderato sa nagpapahinga at kapwa undefeated na Phoenix Fuel Masters kontra wala pang panalong Blackwater Elite sa pagpapatuloy ng PBA Philippine Cup ngayon sa muling pagbabalik sa Cuneta Astrodome sa Pasay City kung saan unang itinala ng E- Painters ang unang panalo kontra NLEX.
Mataas ang morale at in fighting spirit sa panalo sa NLEX at Barangay Ginebra sa Calasiao, Pangasinan, haharapin ng E-Painters ang Elite ng 7 p.m. matapos ang unang engkwentro ng sisters teams Meralco Bolts at wala pang panalo na TNT KaTropa kung saan tatangkain ng Bolts na sungkitin ang 2nd win sa tatlong laro at ibaon ang KaTropa sa kumunoy nang kabiguan.
Nag-ensayo ang ROS matapos magwagi sa outstanding favorite Brgy. Ginebra at determinadong angkinin ang panalo at pantayan ang 3-0 record ng Pulse na maagang bumandera nang talunin ang Bolts, TNT at giant killer Columbian Dyip.
Tiyak na gagamitin ng ROS ang momentum na nakuha sa dalawang panalo at itarak sa Elite ang pangatlong kabiguan na natalo sa NorthPort Batang Pier at Bolts. Sasandalan ni coach Caloy Garcia ang top gunners na sina Gabe Norwood, Maverick Ahanmisi, James Yap, Ed Daquioag, Mark Borboran, Norbert Torres, Beau Belga at dating TNT player Kris Rosales.
Nakahandang harangan ang opensiba ng ROS nina Michael Vincent Digregorio, Roi Sumang Abu Tratter, Mike Cortez, Rey Mark Belo, Allen Maliksi kutuwang ang rookies na sina dating DLSU Green Archers at UP ace gunner Paul Desiderio.
Tiyak na hindi magbibigayan ang Bolts at TNT na parehong determinadong manalo sa labanan ng kapatid laban sa kapatid. Pangungunahan ang opensiba ng Meralco nina Chris Newsome, Cliff Hodge, Jared Dillinger, Reynel Hugnatan, Amer Baser at dating TNT Ranidel de Ocampo kontra sa mga tropa nina Jayson Castro, Troy Rosario, Kelly Williams, Roger Pogoy , Ryan Reyes at Jericho Cruz.





Comments