top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Cathedral sa Jolo nadale ng Abu Sayyaf, P2.5 bilyong intel fund ng gobyerno, 'anyare?

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 30, 2019
  • 2 min read

PAGPASOK NI P-DUTERTE NANG NAKASUMBRERO SA BINOMBANG CATHEDRAL, PAGPAPAKITA NA WALA SIYANG RESPETO SA DIYOS — Batikos ang inabot ni P-Duterte sa netizens sa social media nang pumasok siyang nakasuot ng sumbrero sa loob ng pinasabog na Jolo Cathedral sa Sulu.

Isa sa tagubilin ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga taong papasok sa Simbahan na mag-alis ng sumbrero bilang respeto sa Diyos.

Dahil hindi nag-alis ng sumbrero si P-Duterte, lumalabas ngayon na wala talaga siyang respeto sa Diyos, boom!

◘◘◘

P2.5 BILYONG INTEL FUND NI P-DUTERTE, DAPAT IMBESTIGAHAN KUNG SAAN NAPUNTA — Sa mga naging pangulo, si P-Duterte lang ang humirit ng napakalaking intelligence fund na umaabot sa halagang P2.5 bilyon kada taon. Ang mga nagdaang pangulo kasi ay P500 milyon lang ang intel fund.

Kaya ang tanong, bakit sa kabila na napakalaking intel fund ni P-Duterte ay nalusutan pa rin ng mga terorista ang kanyang gobyerno kaya dalawang sunod na nakapagpasabog sa loob at labas ng Cathedral ang mga bandidong Abu Sayyaf na ikinasawi ng 27 Katoliko at pagkakasugat ng maraming iba pa?

Kung may malasakit sa kaban ng bayan ang mga senador at kongresista, ‘yan ang dapat nilang imbestigahan kung saan dinadala ng pangulo ang bilyun-bilyong piso niyang intel fund, period!

◘◘◘

NGAYONG PANAHON NI P-DUTERTE, NAWALA ANG NFA RICE—Wala na sa merkado ang NFA rice na nabibili noon sa halagang P27 at P32.

Ang pinakamurang bigas na lang ngayon sa merkado ay P38.

Dahil d’yan, maitatala sa kasaysayan na ngayong panahon lang ni P-Duterte nangyari na nawala sa merkado ang NFA rice na kadalasang binibili ng mga mahihirap na Pinoy, hu-hu-hu!

◘◘◘

SAKLAAN SA MUNTINLUPA CITY, TULOY PA RIN!—Tuloy pa rin daw ang pasakla ni “Walter” sa mga barangay sa Muntinlupa City.

Ang sabi noon ni Mayor Jaime Fresnedi, wala na raw iligalista sa kanyang nasasakupan, pero mayroon pa pala, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page